Nabuntis po ng boyfriend ko ung ex-girlfriend niya. Tinawagan po ung boyfriend ko 2 weeks after nilang maghiwalay na buntis siya. Ngayon ung family nung babae pinipilit silang magpakasal kaso tumanggi ung boyfriend ko na magpakasal sila pero sabi niya handa siyang bigyan ng sustento ung bata pero ayaw niyang pakasalan ung babae. Kaso tinanggihan ng pamilya nung ex-girlfriend niya ung sustento dahil mayaman daw sila. Nung nagharap harap ung pamilya ng boyfriend ko at family ng ex-girlfriend niya nathreaten sila at napasabing oo papakasalan ko ung ex-girlfriend ko. Pero pagkatapos nilang magharap harap, sinabi niya sa ex-girlfriend niya na ayaw niyang magpakasal talaga sa kanya at napilitan lang siyang sabihin un, pero ung ex niya ayaw pumayag at nag-invite na nang mga friends niya para sa kasal. Ngayon, dahil ayaw pakasal ng boyfriend ko sa ex niya eh umalis na siya sa province nila para makalayo at para din makahanap ng trabaho para sa panganganak ng ex niya. After 1 week na umalis siya nakakatanggap na ng mag threats ang pamilya ng boyfriend ko sa probinsya nila galing sa pamilya ng ex niya kaya nagpasya narin siyang wag na munang bumalik dahil baka mapatay siya ng mga kapamilya ng ex niya. Sabi ng ex-girlfriend niya sa statement na ipinasa niya nung umalis daw ung ung boyfriend ko eh nadepress daw siya at gusto niyang magpakamatay dahil sobrang nahihiya siya sa kalagayan niya. Sinabi pa ng ex-girlfriend niya na di na daw nagpaparamdam ung boyfriend ko kaso lagi naman tinetxt ng boyfriend ko dahil gustong malaman ng boyfriend ko kung ok lang ba siya at ung bata, un nga lang tuwing magrereply ung babae laging pagbabanta ang isinasagot niya kaya walang nangyayaring maayos na usapan. Lagi nalang may sagot na "mas magiging masaya ako kung nakikita kitang nakakulong." Makalipas ang 1 buwan nang umalis siya sa probinsya sinampahan siya ng kaso na paglabag daw sa RA 9262 5(i) dahil daw sa naging depressed ung babae at gusto niyang magpakamatay dahil sa kahihiyan at nabuntis siya. Gusto ko lang pong malaman kung meron bang laban ung boyfriend ko sa kaso? At kung may chance siyang matanggalan ng license niya bilang nurse? Salamat po.
Free Legal Advice Philippines