Maaari po bang magsampa ng kasong sexual harassment ang isang babaeng Supervisor laban sa isang lalaking subordinate (1 position lower sa Supervisor)?
Sila po ay naging magkaibigan at close sa trabaho ngunit sa di inaasahang pangyayari, nagcomplain po ung Supervisor ng harassment sa kanyang Manager laban sa Subordinate noong July 2013. Pinatawag ng Manager ung subordinate at pinagpaliwanag. Hindi naniwala ang Manager na magagawa un ng subordinate at naging maayos ang kanilang pag uusap. Nagkausap din si Supervisor at Subordinate na kung saan nag apology si Subordinate kay Supervisor kung may nagawa man syang hindi nya nagustuhan. Ngunit hindi na sila nag usap o nagbiruan simula noon.
Last Dec 2013, nakatanggap ng memo si Subordinate galing sa office at sya po ay kinakasuhan ng sexual harassment ng Supervisor na sinuportahan ng Manager. Laking gulat po ng subordinate dahil pagkaraan ng 5 months ay biglang nabuksan ang isyu na akala nya ay naging malinaw na.
Pinatawag si Subordinate sa isang administrative hearing nitong January 2014 ksama ang atty ng company, si Supervisor, Manager at HR Manager. Pinatawan ng preventive suspension ang Subordinate.
Papano po maipagtatanggol ng subordinate ang kanyang sarili at ano po ang karapatan nya?
Tama po ang naging hatol sa kanya?
Naging patas po ba ang kumpanya?
Please advise. Maraming salamat po.