Atty., good morning! Kumuha po ako ng NBI Clearance, first time, last Oct. 2012 sa Robinson's OTIS sa Paco, Manila para sa pag-apply ko po sana ng trabaho... Sabi po s'kin e balik daw po ako ng Oct. 31, 2012 para maclaim na ung clearance. Bumalik naman po ako. Pero nang pagkabalik ko po, pinapunta naman ako sa Quality Control Office nila sa Main Office ng NBI. Pagkadating ko po dun nung ako na kausap ng tauhan sa loob ng QC office, sabi s'kin may kapangalan daw po ako na may kaso na ATTEMPTED HOMICIDE. Nagulat po ako e wala naman po akong ginagawang crime at wala naman po akong case. Isa pa po pala e dun din siya nakatira/nangyari un sa kung saang brgy. kami nakatira dati sa Cavite. Natakot po ako. E siyempre hindi naman po ako un. Hindi ko po alam kung ano'ng gagawin ko. Pinapunta po ako sa court sa Cavite nung tauhan dun kaso sabi ng ate ko na 'wag akong pumunta e baka hulihin daw ako kahit wala akong kasalanan. Last year pa po ako pinapapunta dun sa court sa Cavite, atty. Naglapse na po kaya un? Ano po ba'ng dapat na gawin ko? Kailangan ko po kasi para sa trabaho ung NBI Clearance, Atty. In addition to that po pala, atty., Jr. po father ko tapos the third ako. May kapareho din father kong name before pero okay naman na po ata siya sa pagkuha at pagrenew niya last year ng clearance. Kinakabahan po ako, atty. First time ko kasing makaencounter ng ganun. Ano po'ng gagawin ko tsaka ano po'ng mangyayari?
Salamat po sa response!