Good evening po, meron lang po akong gustong malaman, yong pong dati kung employer kinasuhan po ako ng QUALIFIED THEFT sa makati prosecutor's office. Yong unang resolution na nareceived ko po ay ang sabi po " NO PROBABLE CAUSE" at ang sabi po ay DISMISSED ang kaso ko na QUALIFIED THEFT, dahil wala naman po talaga akong nakuha oh nareceive na amount na sinasabi ng complainant. Nag file po sila ng MOTION FOR RECONSIDERATION or MR sa makati prosecutor's office. Nareceived ko po ang pangalawang RESOLUTION at ang sabi po ay DENIED ang MOTION FOR RECONSIDERATION ng complainant. Hindi pa rin po nila ako tinantanan nagfile po sila sa DOJ ng PETITION FOR REVIEW. Ilang buwan din po ang nag-daan nakareceived po ako ng pangatlong resolution at ang sabi po ay DISMISSED ang PETITION FOR REVIEW ng complainant. Tanong ko lang po kung ano po ang stand ko sa KASO na ito na pina-file ng dati kung employer? Wala naman po akong kinuha at nakuhang pera na sinasabi sa letter of complaint nila. Dumaan po ako sa matinding hirap na dinanas ko, nagkasakit po ang asawa ng dahil sa STRESS, nang dahil sa kaso ito. Sana po ay magulungan ninyo ako,,ano pa po ba ang puwedeng gawin ng kalaban ko sa kaso na ito? Na TATLONG beses na na-DENIED...MARAMING SALAMAT PO .