Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Kaso sa sasakyan ng nakabangga insurance o areglo

Go down  Message [Page 1 of 1]

edgierax

edgierax
Arresto Menor

hi,

tungkol po ito sa kaso ng kapatid ko nangyari itong bangaan noong March 2010, (Reckless Imprudence resulting to damage to property)
* resulting to property lang po kasi wala naman po kaming nasaktan na tao.

Nabanga po ng kapatid ko yung fx ng nagrereklamo habang ang kapatid ko ay nag aatras ng sasakyan niya. aminado naman po kami sa nangyari. Noong inimbestigahan po kami sa pulis hindi naman po namin itinangi yung kasalanan namin. At sabi po ng pulis ay areglohin na lang po yung kaso namin... inareglo po namin yung kaso, pinatignan po namin sa pagawaan ng sasakyan kung mag kano ang pag papagawa, ang sabi ng talyer ay nasa 6000 pesos po ang repair nung sasakyan.. noong babayaran na namin po ito sa police station ayaw pong tangapin ng may ari ng nabanga namin dahil kulang daw po ito kasi po yung fx ay gamit nila sa araw araw na negosyo nila at humihingi po sila ng karagdagan pera para dun sa araw na ang sasakyan nila ay hindi nakakabiyahe at noong araw na nadisgrasya ang sasakyan nila. Ang sagot po namin na kung pwede ay sa insurance na lang namin idaan yung pag papagawa nung sasakyan, hindi rin sila pumayag dahil matagal daw po ang proseso ng ganitong paraan. Hindi po kami nag kasundo nung araw na iyon.. at ngayon po nag file sila ng kaso sa amin nangkakahalaga ng 7500 handa pa rin po namin itong bayaran....ito po ang mga tanong ko ...

1. kailangan pa po bang kumuha kami ng abogado para sa arraignment namin?

2. yung ginawa po naming counter affidavit ay pwede po bang i-submit sa husgado na kami lang po ang gumawa at pinanotaryo sa abogado?

3. pano po ito ma di-dismiss sa arraignment, ano po ang dapat naming gawin?

4. At nakalagay po sa kaso namin ay RECKLESS IMPRUDENCE RESULTING TO PHYSICAL INJURY AND DAMAGE TO PROPERTY.
Ngunit wala naman po kaming nasaktan na tao, tama po ba ito at pano pa namin ito sasabihin sa korte na wala po kaming nasaktan na tao?


Sano po ay matulungan niyo kami sa aming kaso dahil natatakot po kami na humarap sa arraignment namin dahil baka po bigla na lang arestuhin ang kapatid...

Salamat po at more power po sa inyo....

(note: repost..original post is in reckless imprudence topic.) Very Happy

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum