Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

VAWC...is there any other amicable way to settle?

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

inay


Arresto Menor

Hi,

I am new to this forum and just seeking legal advise.  Am planning to fila a case against my husband as much as i would want not to but I feel I dont have much of a choice.  I am a mother of 4 kids.  I am solely supporting them as my husband doesnt have a work.  Ang masakit lang kasi he's not taking things seriously and he's so self centered.Gusto nya lahat ng sahod ko including my atm nasa kanya. He's restricting me from doing things like attneding company events (not that I'm an outgoing person.) Tapos he's expecting me to buy him things like motorcycle and stuffs that I feel not in my priority list. Noon may mga bugbugan incidents kami which is nawala after ko sya ipa-barangay. Sya dapat ang ng-aalaga sa mga anak namin kaso parang labag sa loob nya.

Ang routine nya magluluto, hatid ng baon tapos tambay. Yung kaibigan nyang babae nakatira sa bahay, hindi raw nya papaalisin dahil gusto nya. Ang sistema buhayin ko pati kaibigan nya eh hirap na nga ako sa amin pa lang. Aalis daw sya at hindi nya kaya wala kaibigan nya. Kung anu anong kabastusan ang sinasabi nya sa akin. Kesyo yung kaibigan kong bakla may affair daw kami at hindi raw bakla. Pati ang sarili kong kapatid na bakla pinag-iisipan nyang may relasyon din kami. Hirap na hirap na po ako. Lagi syang nananakot na iiwan kami at guguluhin ang trabaho ko sa tuwing magtatangka akong kausapin sya tungkol sa mga bagay bagay. Nakikiusap ako sa kanya na tigilan na ang kanyang mga ginagawa pero hindi sya nakikining. Hindi ko na po sya maintindihan. Palagi nya ako trinatrack at minsan ang nakuha nya lokasyon ay di kalayuan sa aking opisina. Naghinala sya na wala ako at katakot takot na text na puro kabastusan at mura ang nilalaman. Lahat ng aking mga personal na gamit ay hinahalughog nya, pati mga email account ko kanyang hinack. Hindi na po normal ang buhay ko at wala na po akong kalayaan. Nabubuhay na lang po ako sa takot. October 31 umalis sya ng madaling araw ang paalam nya susunduin ako sa opisina. Pagkatpos ngtext sya ng Nov 1, ang sabi nya umuwi daw ako maaga nasa maynila sya. Iniwan nya mga anak naming menor de edad na walang pagkain at kasamang matanda. Sinubukan ko syang kontakin pero sabi nya hindi na daw sya uuwi. Sa kagusthan kong ayusin at panatilihing buo ang aming pamilya nagmakaawa ako sa kanya. Last week Nov 15, sumama sya sa kaibigan nyang babae para umuwi ng Samar. Sinabi nya na lunes ay makakauwi na sya. Alam ko na hindi mangyayari yun dahil nga sa ngdaang bagyong Yolanda hindi madali mgbiyahe, ngunit hindi na ako tumutol dahil magagalit sya. Dumating ang Lunes at wala syang pakialam kung maabala ang trabaho ko masunod lang ang gusto nya. Ang gusto nya ay lumiban ako sa trabaho or huwag pumasok ang aking panganay na 13 yrs old sa eskwela para magbantay sa nakababatang kapatid nya. May inuna nya pa ang kanyang kaibigan kaysa sa sarili nyang mga anak.

Humahanap po ako ng tatag ng loob para malutas ang suliraning ito. Mayroon po bang paraan na magkausap kaming mag-asawa na may pulis or barangay assistance?

Sana po ay mapagpayuhan nyu ako. Salamat

attyLLL


moderator

if he won't give back your atm, ask the bank to cancel it and issue another one. gain leverage by taking control of money.

you can also go to the bgy and request for a bgy protection order so he cannot live in the house

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum