Me tinakbuhan po ako ng kaopisina na may utang sa akin. gusto ko po ma-settle namin sa barangay ang lahat ng obligasyon nya bago humantong ang lahat sa pagfile ng small claims case. . .
hindi ko po sigurado kung saang barangay ang exact residence nya. sabi po ng katrabaho ko ay sa BARANGAY A sya naka-reside dahil dun yung residence ng husband nya at nandoon din ang mga anak nila. ang problema po ay hindi na sila nagsasama ng husband nya. ang sabi ng secretary ng BARANGAY A ay dun na natutulog sa bahay ng tatay nya ang kaopisina ko, which is BARANGAY B. kinausap ko po ang tatay nya na konsehal pala sa BARANGAY B. ang sabi ay di na umuuwi sa kanila ang anak nya at dapat daw sa BARANGAY A ako mag-file ng complaint. . .
nalilito po talaga ako.
saan po ba ako dapat mag file ng complaint, sa BARANGAY A or BARANGAY B?
Maraming salamat po!