Bago pa lang po ako sa forum na to at ako po ay nangangailangan ng kasagutan sa aking mga tanong, mangyari po kasi ay nagkahiwalay na kami ng asawa ko, kasal kami at may dalawang anak, isang 5 years old at isang 3 years old. Ang basic salary ko po ay Php14,000.00 di pa kasama tax.
Nagkahiwalay kami kasi hindi na nya raw ako mahal at hindi na nya kayang ibigay ang gusto ko bilang asawa nya, humanap na lang daw ako ng ibang tao na makapagbibigay ng mga hindi nya kayang ibigay. Tinanong ko kung anong dahilan, wala po xang malinaw na dahilan na ibinibigay, di ko alam kung me lalaki sya o kung ako ba ang problema.
Ganun pa man, gusto ko pong malaman kung anong porsyento ng kinikita ko ang ibibigay ko sa mga anak ko. Kasi gusto nya pati yaya daw babayaran ko. Magkano po ba sa palagay nyo ang ibibigay ko? Saka pati po ba yaya kailangan kong bayaran?