Last june 24, 2013 nakabili po ako ng 2nd hand tucson. Nakita ko po yung ads sa ayos dito. Nagtiwala po ako dun sa binilhan ko kasi nung tinawagan ko nasa simbahan daw sya so naisip ko di naman siguro eto manloloko kasi kahit di Linggo eh nagsisimba. Sabi nya papuntan sya ng Tagaytay dadalhin nya yung TUcson so sabi ko sakto kasi taga calamba kami pwede kami meet halfway para makita yung unit. Nagkataon naman po na sobra lakas ng ulan so di na po namin tiningnan kong ok yung takbo or hindi basta ang nakita ko makinis pa sya. Nung tinanong ko po sya kung bakit nya binebenta eh kasi daw binayad lang sa kanya yung sasakyan dahil binenta nya yung kalahati ng lote nila sa tagytay. Eh di din daw nila kailangan kasi 4 ang sasakyan nila. Pinagsusundo sundo nga lang daw ng misis nya yung unit. So nagka ayos kami sa price na 640,000.00. Sobrang mura na yun against sa mga nakikita ko sa mga ads for 2011 HYundai Tucson. Sabi nya kunin ko yung unit ng Tuesday kaso coding daw yun kaya sa gabi ko kunin. In short, di pa rin namin na tsek. Then wala daw syang napagawang deed of sale pero meron daw syang blank na deed of sale from the first owner, yun nalang daw ibigay nya para ako ang lumabas na 2nd owner. At dahil wala nga syang deed of sale gumawa nalang sya ng receiving yung amount ng payment namin at nakalgay na " as is where is". Nang naiuwi na namin yung unit napansin namin na parang may tulo sa ilalim at medyo mahina ang aircon. Dinala namin sa yokohama. Sabi ng tagagawa, nabangga daw yung sasakyan kasi may mga welding sa ilalim. Wala naman kami choice kundi ipagawa. After 1 week of use may napansin na naman kaming sira. Dinala na namin sa ibang talyer dun natuklasan namin na puro basag yung ilalim ng makina. So sabi ko palitan nalang kung anu man yan kasi yung cylinder block wala kaming makuha so sabi ko welding nalang nila ulit. 3 weeks din sa talyer yung car. After 2 weeks tumirik naman ako sa Alabang. Yung hose pala ng aircon pinagtagpi tagpi lang. Pinaayos ko sa petron. Tapos sabi ko sa kaibigan ko ibenta nalang nila kasi may phobia na akong gamitin. Dun natuklasan naman na peke pala ang plaka sa harap. karton lang pala. Dun na ako ngdesisyon na kausapin yung binilhan namin. Ang sabi nya di daw nya alam yun na ganun. Baka daw yung nagbentansa kanya. At lagi syang out of town. Kanina nakita ko sa FB na nag buy and sell sya ng 2nd hand car so parang sa isip ko pano nya sasabihin na di nya alam eh yun pala ang negosyo nya. Pwede ko ba syang kausahan? Ang worry ko lang is yung pinirmahan ko na " as is where is". Minsan mahirap din talaga magtiwala sa tao na kahit mukhang mabait eh manloloko pala. Advice naman po kung ano ang pwede kong gawin. Thanks