almost 5yrs na po kami hiwalay ng dati kong asawa. bale nag-usap naman po kami ng ayos tungkol sa hiwalayan namin. pero bago pa man din po kami maghiwalay nagkaroon ako ng anak sa kinakasama ko ngayon. at meron na din pong kinakasama ang dati kong asawa na na foreigner na nasa ibang bansa. bilang dating mag-asawa wala na naman kaming pinagtatalunan tungkol sa mga bata. ginagampanan ko naman po ang pagiging tatay sa mga anak ko. pero ang issue po ngayon ay ang dati kong hipag na talaga namang malaki ang tulong sa pagpapalaki ng bunso kong anak. sa ngayon ay masyado nyang tinatakot ang bata at sinisiraan ako para mailayo ang loob ng anak ko. parang pinaparusahan nya ang bata kapag nakikita kong sinisigaw sigawan nya at pinapauwi kapag nasa bahay ng nanay ko. malapit lang po kasi ang bahay ng nanay ko sa bahay ng dati kong asawa.
eto po ang tanong ko, pwede po ba ko magreklamo sa hipag ko? ano po ang pwede ko ikaso sa kanya? kasal po ako sa una kong asawa, pwede po ba ko makasuhan kahit meron na kaming kanya kanyang buhay? meron na po syang BF, meron naman po ako kinakasama at may isang anak na po ko dun.
maraming salamat po. please respect.