ano po ba ang pwedeng gawin kapag pinagbibintangan kami na kasabwat ng kapatid ko sa pangungutang? nagkaroon po kasi ng utang ang kapatid ko sa 5-6 na umabot sa malaking halaga na hindi namin nalalaman dahil ang nagpapa 5-6 at kapatid ko lang ang nag uusap habang nagaabutan ng pera, ngayon po ang kapatid ko ay umalis ng bahay namin ng hindi nagpapaalam sa amin at sa inutangan nya. kami po ngayon ang sinisingil at pinagbibintangang kasabwat ng aking kapatid, palagian po kaming minumura kapag nagbubukas kami ng pintuan at sinasabihan ng magnanakaw, nung nakasalubong ko po yung nagpapautang ng 5-6 kumare ko sinabihan po kami ng asawa ko ng bwisit, kinakausap naman po namin sila ng maayos at nagkakaroon sila ng hearing sa barangay ng bayaw ko, ang sabi namin sila na ng bayaw ko ang magusap at magbayaran dahil nung nagbibigayan sila ng pera di namin alam, ngayong singilan kami ang iniipit at sinasabihan ng mga di kagandahan salita. ano po dapat namin gawin baka po kasi manakit nalang sila pag lalabas kami o mga pamangkin ko. salamat po at Godbless...