Please help me with my problem.Just call me Bang.This incident happened just this August 18,2010.Nakasakay ako no'n sa jeep,going school na ko.Coincidence lang na sumakay din yung enemy ko since 2007 pa yun.Magkaharap pa yung seat namin sa jeep and then talagang tumabi sya sakin at kinalabit ako.
Eto conversation namin:
ENEMY: "ano,matapang ka?ha?gusto mo bumaba tayo tas magsabunutan tayo?ano?ha?".
AKO: "ayoko nga.dito pa sa jeep?may hiya pa ko noh."
ENEMY: "walang hiya-hiya.ano,tara!pakita mo yang tapang mo".
AKO: "ano ka ba,*****.Ayoko nga.isipin mo,dito sa jeep tau mag aaway?tska hinaan mo nga yang boses mo.pinagtitinginan na tayo ng mga tao."
ENEMY: "wala akong paki sa kanila.ano,sabihin mo sakin kung gano ka katapang."
AKO: "sandali nga,ano ba talagang pinagpuputok ng botse mo?dahil ba naging syota ako ng syota mo??bakit sakin ka galit?eh sya 2ng nanligaw diba??"
ENEMY: "hindi yan ang issue.ang issue dito siniraan mo ko sa internet!"
AKO: "aba.aba.sandali lang.eh diba ikaw 2ng nanira sakin first.pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko ah."
ENEMY: "ganon?so ano,tignan natin tapang mo.Tara,baba tau tas magsabunutan tau pra makita mong kinakalaban mo."
-di ko na sya pinansin non kasi yung babae sa harap namin eh sinabihan na kaming wag mag away sa public.no'ng di ko na sya pinatulan,pinagtuturo nya ko.tapos -PAK!-.sinampal nya ko.wala akong nagawa kundi ang umiyak dahil sa hiya!ewan ko ba.di lang talaga ako sanay sa awayang ganito.Kaya yun,pinaglaban ako ng babae sa harapan namin.Eh si ENEMY pinagtuturo nya yung mga nagalit sa kanya at sabi nya,"wag kayong makialam ha!".Sa sobrang galit nong babae sa harap namin,nasabi nyang police sya.kaya nagulat kaming lahat.Ayun,medyo kumalma si enemy.Paano ba naman,pinagtuturo nya yung police woman.Nka civilian kasi kaya di namin alam.Tapos sabi ng police na bumaba daw kami kasi ipapakulong nya daw si enemy.Ewan ko't parang tanga ako non kasi di ako pumayag.Dahil nga siguro sa ayaw ko nang lumaki ang gulo kaya bahala na.Nong tinanong sya nong police kung ba't nya ko sinampal,sabi nya dahil daw siniraan ko sya.Hiningi ng police yung number ko tas nagtext sya kung pwede ba daw kami mgkita sa police station para ipakulong si enemy.Eh para nga di na lumaki,eh hindi nalang ako pumunta.No'ng may nagsabi sa tatay ko sa nangyaring yun,sinama nya ko sa police station at pinablotter si enemy.Nagpa checkup ako sa isang family clinic for medical.Ayun na,nagkita na kami sa barangay.Tas nag iba na ang version nya.Kaya nya daw ako sinampal kasi sinabi kong "iba ang nakabirgin sa kanya".Nakalimutan nya yata na ang sinagot nya sa police eh dahil siniraan ko sya dati.Kaya aun,di na ko umimik.tapos tanong ng tita nya,"ano ba,kakasuhan mo ba si *****?kasi kung magkakaso ka,kakasuhan ka rin namin."
Nagulat ako!Kasi ano ba namang kaso ang isasampa nila.Ayun na,GRAVE THREAT daw tsaka ORAL DEFAMATION dahil siniraan ko daw sya sa friendster noong 2008.My golly!gumawa pa sila ng issue about threat.Eh wala naman tlga akong binitawang threat sa kanila.Pero siniraan ko sya sa friendster dati.well,gumanti lang ako kasi siniraan nya ko una.Eto na,2nd meeting namin sa barangay,tinanong ako ng kagawad kung kakasohan ko ba daw c enemy.ang sabi ko,oo.Tinanong nya ko kungnagpa medical na ba ko.Ang sabi ko oo.Doon sa family medical.Ang sabi ni kagawad di raw tatanggapin ng korte ang medical galing sa private doctor.sira talaga ulo ko!di ko kasi alam na dapat pala tlaga sa provincial ako kumuha ng medical.Kaya ayun,tinawanan ako ni enemy.Ano ng gagawin ko?I need help talaga :[