Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Badly need your advice

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Badly need your advice Empty Badly need your advice Fri Oct 04, 2013 8:30 pm

carrarian


Arresto Menor

Help po. 2 yrs na po akong empleyado as Accounts Receivable Specialist sa isang distrubution company in davao city. On 1st quarter po ng 2013 pinafill up po kami ng Planned Leave Form.dhil nakapagbooked po kmi ng promo fare wid ofismeyts pa boracay.nilagyan ko po ang planned leave ko ng july 16-18(travel date).sometime in june 2013, again nag file po ako ng vacation leave for the said dates for formality.
So nakalipad po kami for boracay on july 16,2013. On july 17 mga 9am in d morning tumawag po ang isang ahente sa akin at sinabing short raw po ang remitance nya na sinubmit ko sa cashier nung Sabado,july 13,2013. 20k ang amount ng shortage sa remitance.

As practiced,instead na diretso sa cashier ang remitance ng ahente eh dumadaan po sa akin pati ang cash remitance dahil po nagpapatulong ang mga ahente na madouble check ang reports and remitances nila.tsaka eversince dumating ung cashier ng jan2013 NEVER po nyang binibilang o nirerecount ang pera na nireremit sa kanya. Ang rason nya is may deposit slip na raw kc tska diretso na sa banko kinabukasan.malalaman rin naman kung may short or over kc babalik raw sa kanya.so ganun po ang practiced sa ofis namin.

Nung bumalik po ako ng davao ng July 18 from bora dumiretso po ako agad sa ofis para klaruhin kung anong nangyari.doon po ibinigay sa akin ang Notice to Explain dated July 16 na may naka attached na Incident Report ng Cashier dated july 13 and prepared july 16.doon po nakalagay na short raw po ang remitances ng apat na ahente amounting to almost 80k which is ako ang nagsubmit sa cashier.nkita raw po ng cashier na may short remitance po nung lunchtym ng july 13(saturday) pero never nya po akong inapproach or kinonfront about sa shortage nor ang mga ahente na nashort hindi nya rin po ininform. Ang masaklap pa po naka attach sa notice to explain nila ang mga photocopies of my personal documents such as Un-activated ATM cards from my networking comp,receipts ng yellowcab,petron and goldilocks na kinuha sa drawer ko.den sabi ng HR legal officer namin na hinalungkat daw ang drawer ko.nireceive ko po ang notice nila at umuwi.
Nagreport po ako sa ofis kinabukasan, iba na ang titig ng mga tao sa akin. Isa na akong magnanakaw. Bago po ako naupo sa pwesto ko ay pinikturan ko lahat ng drawer ko at table ko.after po ay chineck ko po isa isa ang mga gamit ko. Wala naman pong nawala maliban sa pera namin sa Coop na php470 nlng ang natira.nagreport po ako sa HR officer namin na kulang na ang pera ng aming coop. Wala pong lock ang drawer ko pero never pong nawalan ni piso ang pera ng coop namin since January 2012.Nagrequest po ako ng CCTV raw copy namin from July 13-19,2013 pero wala po silang binigay.
Ito po ang mga tanong ko sa admin namin:
1. Bkit po hindi ako agad sinabihan about sa short remitance na nakita nung sabado pa? Bkit kelangan ipalabas ang report ng July 16 whic is alam ng buong ofis namin na aalis ako for a boracay trip.
2. Bkit hindi nlng nila ako hinintay to clarify things up?bkit kinailangang halungkatin ang drawer ko or shud i say ransack? Sinabi pa sa akin ng Distribution Head namin na hindi raw po ransack ang nangyari kc company property raw po ang table.so ok lng raw po na halungkatin ito.
3.nalaman ko po kasing pumasok ang cashier namin ng linggo (july 14) the day after may short umaning nangyari, ang sagot po sa akin ng DH namin ay wala raw ping relevance ang pagduty ng cashier ng linggo sa nawalang pera nung sabado.

So VERBALLY, sabi ng accountant namin mag turn over raw po ako sa isang kasamahan namin habang ongoing ang audit sa akin.sumunod naman po ako at nag turn over. Araw2 po akong pumupunta sa ofis na walang ginagawa kundi makipagtsismisan sa mga ahenteng na short kasi nakahold rin sila.pero ang cashier po kung saan nawala ang pera eh patuloy sa trabaho nya.
August 14 po umabsent ako dhil sa fever pero tinawagan po ako ng accountant namin to report sa ofis so pumunta po ako. Doon, sinerve po sa akin ang Management Decision na Terminated po ako due to Loss of Trust and Confidence at pinababayaran po sa akin ang 82k na total amount na short nung July 13.

Sept 2 po ay bumalik ako ng office para ifollow up ang request ko ng CCTV kc ang binigay lng sa akin ay yung mga cut copy na pili na po at puro against sa akin. Wala pong raw copy na binigay khit yung paghalungkat sa drawer ko wala.
Nagserve na naman po sila sa akin ng Notice to Explain sa nkita nila na descripancy sa audit worth 1million.
Hindi na po ako nagrecon kc hindi po nila binibigay yung mga documents na magagamit ko sa pag recon.
At pina Dyaryo pa po nila ako sabing hindi na raw po ako connected sa company effective July 18,2013 same date po ng pagblik ko ng davao at pagreceive ng notice nila.pero i have my payslip na may tinatanggap pa po akong sahod until August 10,2013.

Tulungan nyo po ako

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum