humihingi lang po ako ng advice kasi po ganito yun, nakahiram ng pera ang kapatid ko sa pautangan or 5-6 na tinatawag tapos po ang sister ko pinilit na papirmahin ng kasulatan na eto po ang isinasaad " ako po si julie ann nangangakong magbabayad araw araw sa aking mga utang" hindi naman po nakalagay kung magkano pero nagbitiw po sya ng salita na 500 pesos araw araw kaya pumayag yung pinagkakautangan ngyon po nalaman na may pagaari ang asawa ng kapatid ko na tricycle, kinuha po ng nagpautang ang tricycle at frangkisa at official receipt at certificate of registration, paano po makakabayad kung kinuha nila ang pangkabuhayan ng pamilya ng kapatid ko? nasira po ung tricycle ng bayaw ko pinagawa nung nagpautang ung nagastos po dinagdag ulit sa utang at may interest pa. paano po makakaahon kung ganun ang gagawin, parang awa nyo na po ano po pwede naming gawin, wala ng matatakbuhang iba ang pamilya ng kapatid ko. sana po matugunan nyo ang aming tanong. saan po kami pwedeng lumapit? salamat po.