Ang kapatid ko po ang humahawak sa shop ng tatay ko simula nun nagkasakit ang aming tatay.
itinira po dati ng tatay ko sa 3rd floor nun shop nya yun kanyang other woman at yun kapatid ko naman ngayon ay nasa 1st floor na dun sa shop.
Nagdecide po umalis na yun other woman sa shop after matapos ang school year 2013.
Ngayon, nagdemanda po yun other woman against sa kapatid ko ng Child abuse at pananakit daw dun sa kabit ng tatay ko which is hindi po totoo ang accusations. Dahil wala na pong makuhang pera ang other woman eh ang kapatid ko po ang dinemanda using false accusations and asking for financial support since incapable daw ang tatay ko.
Iniwan po ng tatay ko ang aming nanay simula nun na disabled ang amin nanay. Ngayon nadisabled din ang amin tatay eh pinaglaban po namin sya na makuha at sa bahay na namin ulit tumira since incapable po mag-alaga yun kanyang other woman.
Dati pong GRO sa beerhouse ang kabit ng tatay ko, yun unang anak eh not of our blood kundi anak ng babae sa boyfriend. Ang half blood po ay yun bunso. Pero inangkin din po ng tatay ko yun isang bata kaya lumalabas na kapatid din po namin.
Ngayon, balak daw po kame idemenda lahat nun other woman para supportahan yun aming kapatid sa labas. Tatlo po kameng magkakapatid at lahat kame ay may mga asawa na. 7 at 10 lang po yang edad un aming kapatid sa labas.
So dapat po ba na kame ang habulin para magsupport dun sa dalawang bata? Kasalanan po ba namin ang magkaanak sa labas ang tatay namin at kame ang idemanda ng kabit ng tatay ko para magsuporta sa mga kapatid sa labas.
Hindi po kasal ang tatay ko at ang kanyang kabit.
Gusto ko pong malinawanagan dahil sisirain po ng kabit ng tatay ko ang buhay ng mga kapatid ko at aming mga asawa at anak.
Ano po ang laban namin dito?
Thank you po.