Meron po nakapangalan sa akin na house and lot at gngwa nmin ito ngaung paupahan. Sa akin ito ipinangalan ng mga magulang ko. Pero hindi ako doon nakatira dahil nga paupahan un. Malapit lng naman sa amin ang nasabing bahay isang tricycle lng.
Ang problema, hndi kasal ang nanay at tatay ko at may naunang mga anak ang tatay ko sa legal nyang asawa.
Nagbabanta ang mga anak ng tatay ko sa legal nyang asawa na kukunin ang mga ari-arian namin kapag siya ay namatay na.
Naiicp ko na baka pati un bahay at lupa na nakapangalan sa akin ay makuha nila dahil sa mga kadahilanan.
1. Anak lng ako sa labas at pera ng tatay ko ang pinambili sa bahay at lupa na nakapangalan sakin.
2. Hindi ako doon nakatira, bka lalong maging dahilan ito pra mapatunayan na hndi sa akin ang bahay.
Maagaw ba nila ito sa akin kun sakaling tangkain nila?
Nasa malayong lugar sila ngayon at hndi naman bumibisita sa amin.
Please help. Ang balak ko kc ay palakihan pa ang paupahan at dagdagan ng 2nd floor, ang kaso nga ay baka masayang lang ang mga igagastos ko sa pagpapagawa nito kun maagaw lng naman pala nila.
tnx in advance.