may ipapakunsulta po sana ako tungkol sa nasirang tablet pc, nabasag yung screen nya.
last sunday, 1 week na po ngayon, may ngpapa-burn sa akin ng cd, tinanggihan ko kasi manananghalian na. after lunch, habang kami nakahiga sa sofa with the family, my wife and 2 kids, bumalik yung magpapa burn ng cd. nakukulitan na ako kaya pumayag nlng ako. 2 gadgets dala nya pra ilipat yung songs sa laptop ko, yung cellphone nya at tablet pc. isinaksak ko na ang cable ng tablet pc nya sa laptop ko, habang kinukuha ko yung isang laptop ko sa kwarto kasi hindi makabasa ng sd card yung isang laptop ko, pagbalik ko sa sala, nahulogan ng computer speaker yung tablet pc kaya nabasag, kasi nasagi ng anak ko yung sofa.
may obligasyon po ba kaming palitan o bayaran yung nasirang tablet pc na hindi naman sinadya ng bata.
maraming salamat po!