Good evening po. Ako po ay isang housewife at may 2 anak. Taon 2006 po nung umalis ang husband ko para magtrabaho sa Canada isa syang ofw dun at mula nuon hanggang ngayon ay 1 beses palang syang nkauwi. Taon 2008 nung magkaroon kami ng problema dahil meron syang nakarelasyon at nakalive-in duon for 5yrs yun pang nkarelasyon nya ay may asawa din dito sa pilipinas,pinaglaban ko po ang karapatan ko pero nabigo ako dahil pinili nya ang babae nya kesa sa amin ng mga anak ko,lumipas ang panahon nagkahiwalau po sila,mula po nuon ay hindi kami naguusap kahit sa fone at ang mga bata bihira din nyang tawagan dahil masyado po syang nagpadala sa babaeng karelasyon nya. Nitong January 2013 bigla nalang po syang nakipag usap sa akin ng maayos para sa sabhin na kukunin na nya kami ng mga bata naging maganda po ang flow ng communication namin kahit ang mga bata ay bumalik ang tiwala sa kanya, sa ngayon po ay nasa immigration na ang papers at nakapagpamedical narin po kmi. Sa hindi inaasahan pagkakataon ay accidente po syang nagsent ng picture sa group chat ng mga kamag anak nya na isa din po ako sa grupo,ang picture ay sya na may kasamang babae at sweet cla,tinawagan nya ako agad dahil alam nyang nakita ko, pinaamin ko sya at inamin naman po nya na bagong nyang karelasyon pero hindi cla nagsasama sa bahay,6months na sila nung babae. Sa pangalawang pagkakataon ay sobra nakong nagalit dahil niloko nanaman nya kmi ng mga bata,pinamili ko sya mkakausap nya mga bata o iiwanan ang babae, sa pangalawang pagkakataon pinili nanaman nya ang babae... Ang tanung ko po ay sa anong legal na paraan para mapaghiwalay sila ng babae ?dahil ofw din po ang girl at dalaga pa. Nilalaban ko po ang karapatan ko bilang asawa at para sa mga bata dahil matagal narin po nya kaming pinabayaan. Sana po mabigyan nyo ako ng legal advice kung pano ko cla mpaghihiwalay. Maraming salamat po!