May nabili pong lupa ang pinsan ko, 131 sqm po sa halagang 600K..may nakatayo na pong bahay, ang usapan po nila dun ay hanggang hindi namamatay yung nag benta ay hindi pa nya kukunin ang lupa, nailipat na po sa kanyang pangalan yung title. Ngayun po namatay na yung nagbenta ng lupa, nang pupusisyon na po yung pinsan ko ay naghahabol ang mga naiwang pamangkin nung namatay, dahil sila daw ang legal heirs dahil matandang binata at dalaga yung nagbenta na pareho ng patay...nakalagay po kasi sa titulo et. al...pero sa titulo po 2 lang ang nakalistang pangalan na pareho namang pumirma sa deed of sale kaya nailipat sa pinsan ko yung titulo, now po nag file sila ng adverse claim para hindi maka pusisyon ang pinsan ko. Balak po ng pinsan ko na paupahan yung bahay at tindahan subalit hindi sya maka aksyon dahil nauna na pong pinaupahan nung mga pamangkin.
Ano po ba ang dapat naming gawin dahil nagharap na po kami sa barangay at hindi rin nagkasundo.
Marami pong salamat sa tutulong...