Gusto ko lang po ikwento ang problema ng pamilya namin, tungkol sa kasalukuyang bahay namin sa Laguna, ang nasabing bahay po ay minana pa ng aking ama sa aming lolo at lola, ngunit wala naman po pormal na kasulatan. ang bahay din po namin ay nakatayo lang sa tabing highway na wala pa po titulo hanggang ngayon, nammroblema lang po ako dahil araw araw po pinupuntahan ng mga kamag anak ko ang aking ina para pagusapan pano daw po hahatiin ang lupa at bahay namin, nakakasama lang po ng loob dahil ang dami nila at wala po kaming magawa, napag kakaisahan po kami ng mga kamag anak namin. at palagi po kami pinababarangay dahil ayaw daw po namin pumayag sa kasunduan, hindi din po kami makagawa ng paraan ng kuya ko dahil kulang po kami ng sapat na pera para humanap ng abogado. pasensya na po, sana po mabigyan nyo po kami ng payo ano po magandang gawin sa ngayon. salamat po. GodBless.