gusto ko na pong ayusin at ilagay sa tama ang lahat. 2010 po ay nagkaroon ng communication ang anak ko sa papa nya through facebook pero pinutol din po agad ng papa nya. pati po email add ay deactivated at ako ay i unfried na sa facebook. just recently humingi po ako ng tulong sa mga friend nya facebook. meron pong isa na nag reply sa akin at according to him ay di rin sa kanya nag reply. i am assuming na nagtatago na sya. wala po ako hiningi sa kanyang support simula 1995 at wala na po ako balak na humingi at guluhin sya. alam po nya na may bago na akong pamilya. siya man po ay may naunang pamilya bago kami nagpakasal (pagkaalam ko po ay may 2 silang anak at kasal sa Japan. di ko lang po alam kung nag divorse sila) at ngayon ay may bago na ring pamilya, may isang anak.
ano po kaya ang pwede kong gawin para ma legalize ang 2nd marriage ko. at paano po ako makakaligtas sa kasong bigamy?