. To start with,
My Grandparents bought a lot before, dalawa lang po ang anak nila, dad ko and uncle ko. Ako lang po anak ng dad ko. And uncle ko and asawa nya wala pong anak. Since wala pong anak ang uncle ko, they decided na tumira na lang sa isang lupa, and nagpatayo na lang sa tabi ang dad ng bahay. So, isang land title lang with 2 separate houses. Time passed by, namatay na lolo ko, then lola, then uncle, my uncles wife decided to have her nephews to stay with her in my uncle's house. Then last year namatay na din po auntie ko (uncles wife), ok naman mga nephew ng auntie ko kasi nagtanong and paalam sila kung ano mangyayari sa kanila since wala na si auntie, if kaylangan na nila umalis. Ang sabi nang dad ko, pagnagasawa na ung panganay, dapat na silang umalis. Ang kaso mukhang bakla ang nephew, wala atang balak magasawa.
Now, i know na pwede po namin sila paalisin anytime, since nasa pangalan ng lolo ko ang lupa. After my uncles wife death, hindi na naghabol dad ko sa mga naiwan ng autie ko, like lupa, bank accts, jewelries and car.since my living heirs pa auntie ko, kapatid nya. Ako po gumamit ng car ng auntie ko since namatay na sya, maintenance and all. Nung nirehistro ko ung car, i found out na pinalipat na ng nephew ung panganlan ng car. Ok lang yun, since from the start alam ko na hindi samin yun.
Ang tanong ko po eh... Pano pag pinaalis na namin sila tapos nag habol sila. At ayaw ng umalis.
And kung aalis po sila, may karapatan po ba sila sa mga gamit na nasa bahay?
Sana po may magmagandang loob na sumagot, ayaw ko na po kasi istorbuhin yung company lawyer namin sa office dati since wala na kami pareho sa company. Mabait panaman sya and i dont want to bother her. (Atty monette V.)
Sana po matulungan nyo ako. TIA.