Ang sabi nya sa akin naikuwento raw sa kanya ng GM. tinanong ko po kung bakit, ang sagot nya, nagkumustahan lang daw sila at namention nung GM. Ang tanong ko po, puede po ba itong ganito na sinasabi sa third party ang detalye ng loan ko kahit hindi naman sya co-signor or guarantor kundi kaibigan lamang?
Ang isa pa ho, may pinabago po yung GM sa loan application ko na pinabura nya at pinalitan yung isang portion na finil-apan ko na walang pahintulot sa akin. Nag-complain po ako pero hindi naman po ako pinansin dahil hindi naman daw maaapektuhan ang loan. na-approve naman po ang loan ko pagkatapos.
Gusto ko lang po malaman kung may karapatan po ako o proteksyon tungkol sa disclosure ng personal information pagdating sa loans dahil ang pagkakaalam ko po ay hindi dapat ipagbigay-alam ang impormasyong tulad nito sa ibang tao na hindi naman po personal na involved sa pag-utang at pagbabayad. marami pong salamat sa tulong at advice.