Ito ang policy ng school: pag may official announcement na walang pasok mga students kasi may bagyo (pero hindi signal #3),
1) lahat kami empleyado ay required pumasok 8am-5:00 pm. Papasok naman kami kasi sayang ang sweldo. Pag naging worst ang weather condition, pauuwiin kami lahat,
2) or suspended na office namin. meaning, hindi na kami pupunta ng office.
For both situations above, i-deduct or charge sa leave credit namin.. Meron bang law regarding this situation? Parang hindi naman ata maganda ito Atty lalo na kung nasa school na kami saka mg-suspend sa employees. This is their practice for so many years now.
Thank you very much.