Good day po!.ask ko lng po sana kung anong hakbang po ang maaari kong gawin para makapagbigay po ulit ng sustento ang AMA ng anak ko?.di po kami kasal at 5 years old na po ang anak ko at sya po ay lalake!.naghiwalay po kami bago mag-isang taon ang anak ko at may trabaho po sya noon sa pilipinas!.may kasunduan po kami sa barangay at nagkapirmahan na susuportahan Nya ang aking anak 3000 pesos kada buwan!.pinirmahan din po Nya ang BC ng anak nmin noon nung ako'y nanganak!.after po nun n naghiwalay kami ikinasal po siya at nagkaroon na rin ng anak!natigil po ang sustento nung mawalan sya ng trabaho at naintindihan ko yon!.january 2013 nag trabaho po sya sa UAE,nagpadala po siya una at huling padala ay April taong 2013 sa halagang 1500 pesos lang sa kadahilanang marami pa raw syang binabayarang utang!.naaksidente siya at naoperahan ang braso nitong mayo Lang kaya di sya nakapagpadala na dhil wala ulit syang trabaho at nitong July isang buwan na ulit syang nakakapagtrabaho at di pa sya nagpaparamdam sa sustento!.ang sabi sa akin ng asawa Nya na kung sya nga di Nya inu-obliga n magpadala o magbigay ung asawa Nya ako pa kaya na di Nya asawa..(babae po ung nagsabi)ano po ba ang maaari kong gawin dahil di sila nauubusan ng dahilan at sinabihan pa ako ng asawa nya(babae) na kung gusto ko raw magdemanda eh di idemanda ko daw sila!.sustento lng naman ang hinihingi ko!.sana matulungan nyo po ako!.marami pong salamat
Free Legal Advice Philippines