ang tanong ko po:
1. may laban po pa ako na hindi mailipat sa pangalan nya o pangalan ng mga kapatid ko ang titulo?
2. natatakot na po ako sa pananakit ng nanay ko sa akin. may batas po ba na nagsasabing hindi sya pede lumapit sa akin?
susunugin daw po nya itong shop kung di ako papayag na ilapat ang titulo sa kanya o kaya naman ay itatapon nya lahat ng computer... puro po pananakot ang ginawa nanay ko na pati mga anak ko ay takot na rin sa kanya. ang mister ko po ay inuutusan ng nanay ko na patayin ako dahil walanghiya daw akong anak.
ano po ang aking gagawin? sana po ay nauuunawaan nyo ko. salamat po.
juna