I really need your help.
BIR RR No. 18-2012 and RR 1-2012
I am Charish S. Tanawan, I am a teacher and I also own a homebased business which I registered in DTI and BIR. My business is a seasonal business, if may order kami edi ok if wala ok lang din.
My business is VAT registered as payo na rin po nung nasa BIR. Ang alam ko po na dapat kong ifile at byaran ay ang income tax and VAT na yun naman po yung sinabi ng bir nung nagseminar po ako nung nagparegister ako.
Sa totoo lang po hindi po ako nainform regarding sa new receipt when it was implemented. Napanood ko lang po iyon sa TV nung June 2013. Napenalty po ako ng php1000.00 because of late ATP application. Sinabi ko po sa kanila na hindi ko naman po alam at wala akong natanggap na sulat mula sa BIR na may bagong regulation na ganun ang sagot lang po nila sa akin ay napubish daw po yun sa dyaryo. Hindi na po ako nakipagtalo naisip ko kung niloloko naman nila ako na hindi nila ako dapat sulatan regarding doon ay sila naman ang makakarma at kikitain ko rin ang php1000.00.
Ngayon po nung July 25, 2013, I received a letter from BIR dated June 26, 2013 regarding po sa RR 1-2012 Mandatory Submission of Quarterly Summary List of Sales and Purchases. Hindi ko rin po ito alam at sinabi nila na napublish po ito sa dyaryo kaya dapat daw po ay informed ako. Dali dali ko po ito ginawa at ginawa ko po siya July 26 to July 27, 2013. Nang naipasa ko po yung file sa BIR hindi po nila tatangapin yung files hanggang hindi pa po ako nagbabayad. 6 quarters po yung hindi ko po nafile na may tig php2000 penalty so php12000 po yung penalty ko. I find it unfair kasi po kung nainform naman po ako ay magfifile naman po ako.
Ako po personally ang nagfifile sa bir ng VAT ko at income tax since hindi ko po afford ang services ng accountant. Pero pangarap ko naman po na lumaki ito.
Tama po ba yun na hindi po nila ako sinusulatan regarding po sa mga new policies?
Salamat po
Charish Tanawan