Mga Attorney magandang araw po sa inyo, magtatanong lang po ako kung paano ko mapapalipat ang titulo mula sa namayapa kong asawa sa pangalan ko, nasa akin ang original na titulo na ibinigay ng pag-ibig pero nakapangalan pa sa asawa ko nung pagkadalaga niya. Ganito po bale nung dalaga siya ginamit yung pagibig housing loan niya nung kaibigan niya tapos yung gumamit ibinenta din yung rights sa ibang tao. Ngayon po yung ibang tao na yun na nakatira sinasabi nila na sila na daw ang may karapatan sa unit dahil sila na ang nagbabyad. Pati yung real state taxdaw sila na ang nagbayad which is hindi ko kasi alam since kakabigay lang sa akin ang title. ang unit po na nasa titulo ay nasa Novaliches Quezon City. Bale kailangan ko rin po ba bayaran na din ang real state tax bago ilipat sa pangalan ko? paano po ang proceso saan ako dapat una pumunta? may karapatan pa po ba ako sa pinanghahawakan kong title. Kailangan ko po kasi malaman din ang karapatan ko bago ako magbitaw ng pera para pagpapalipat at para mapaalis na ang kasulukuyang nakatira dun. Maraming salamat po sa inyo.
Free Legal Advice Philippines