Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

needed your help urgently on case of RA 9262

Go down  Message [Page 1 of 1]

ramil27


Arresto Menor

good day sir, ask ko lang po ung case ko. kasi po my ex-wife filed a case of violation in RA9262 section 5 paragraph 2 and article 349 of revised penal code against me last 2008, ang problema po ay mula 2003 ay nandito na po ako sa saudi at noong 2005 po ay umuwi ako for vacation at para ayusin ang gusot na namamagitan sa amin at gusto ko pong makipaghiwalay ng maayos pero ang nangyari po ay kinuha niya ang mga papeles ko pati passport at sinunog iyon pero sa awa ng diyos ay nakabalik din naman ako agad dito. kaya po natatakot na akong bumalik uli sa pinas at baka maulit uli ang pangyayari na yon at mawalan ako ng trabaho at kawawa naman ang mga anak ko. nakahiya man pong aminin pero nagging battered husband po ako, kada nag-aaway kami puro kahihiyan po ang inaabot ko dahil iniiskandalo po niya ako lalo na pag nawawalan ako ng trabaho at puro masasakit na salita ang inaabot ko sa kanya, naroon din po na habang natutulog ako ay magigising na lang po ako at tinadyakan ako sa ulo, that time po ay estudyante pa lang ako pero nagtatrabaho naman po ako sa mga fastfood, hindi ko po maipagtangol ang sarili ko laban sa kanya dahil una po sa lahat ay nakikipisan lang po ako sa kanila, pangalawa po ay mahal ko po ang mga anak ko sa kanya, lahat po iyon ay kinaya ko pero noong nakapag-abroad na po ako at nakakapagpadala na po ako ng maayos ay nagkaroon po kami ng malaking alitan dahil ang gusto niya ay huwag akong magpadala ng direkta sa mga magulang ko dahil wala naman daw silang naitulong sa pag-aaral ko, ako po kasi ang nagpaaral sa sarili ko, at may time na minura po niya ang magulang ko habang magkausap kami sa telepono kaya iyon po ang nagging mitsa ng pananabang ko at pagkamuhi sa kanya kaya nagsabi ako sa kanya na ayoko na, at nakatagpo naman po ako ng isang babae rito na nagging best friend ko po at di naglaon sa loob ng isang taon ay naging kami, pero di po tumigil ang pagsustento ko sa mga anak ko sa pinas at hanggang ngayon na may iba na akong pamilya rito. tanong ko lang po ay may laban po ba ako sa kasong sinampa niya gayong hindi naman po ako kinasal sa pinas o nakaregistered na kinasal uli ako. ako po ay kinasal dito sa tradisyong islam at isa pong judge na Saudi ang nagkasal sa amin kaya dito lamang po sa Saudi nakarehistro ang aming kasal. at monthly rin po akong nagpapadala mula 2003 up to the present? pero nito pong nakaraang mga buwan kamalian ko po sigurong hindi nagpadala dahil po sa pangyayaring pinahiya po ninya ang mga magulang ko nung minsang dalawin nila ang kanilang apo, dahil nalaman po ng mga magulang ko na may kinakasama na rin siyang iba. sila po ay pinagmumura at pinagtabuyan pa po kahit sila ay matatanda na kaya sa sobrang galit ko po ay di po ako nagpadala at sinabing hanggat di siya humihingi ng sorry sa mga magulang ko ay di ako magpapadala. maari po bang umusad pa rin ang kaso kahit ala ako sa pinas ng ilang taon na, ano po ba ang maari kong gawin dahil hinaharass po niya ako sa trabaho dahil kung kani-kanino siya tumatawag dito para lang isumbong ako at ilang bese na rin po siyang nagpadala ng sulat sa personnel ng aming kumpanya. liable din po ba ang aking employer ganung di naman po ito nakabase sa pinas? ano po ba ang pwede kong gawing hakbang at kung sakali po ba ay may laban ba ako sa mga isinampa niyang kaso sa akin? ano rin po ba ang mga dapat kong gawin at ano rin po bang kaso ang pede kong isampa laban sa kanya. at maari rin po ba ninyo akong tulungan dahil naghahanap din po ako ng abugado na magrerepresent sa akin sa korte. maraming salamat po.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum