Hingi po sana ako advise sa inyo. Isa po akong OFW dati sa saudi. Nag exit po ako doon way back 2002 pa po. 2013 na po ngayon. May credit card po akong hindi nabayaran. Tinawagan na po ako agency nila dito dito sa atin. Kailangan ko daw pong bayaran sa loob ng anim buwan yung utang ko po sa banko sa saudi ayon sa affiliated agency nila dito (ENZI Corporation). Napakalaking halaga po. Hindi ko po kayang bayaran sa loob ng 6 na buwan yung utang ko. Kung sakaling ako po ay harrasin nila, ano pong pakiusap kong gagawin? Willing naman po akong bayaran pero hindi ko po magagawang bayaran ng 6 na buwan. Ordinaryong empleyado lang po ako.
Maaari po ako nilang kasuhan at ikulong?
Sa paanong paraan po kaya ako makikipag ayos tungkol sa scheme of payments?
Sana po mapayuhan niyo ako.
Maraming salamat po.