May question lang po ako sana mabigyan linaw. Pinadala po ako sa China for 3 days training. Then after ko pong makabalik sa opisina, may inabot sa akin na folder. Nung tinignan ko, training bond. Nagtaka lang ako na bakit nila ako papapirmahan ng bond AFTER ng training. Tinanong ko kung bakit kung kelan natapos na ung training saka lang binigay ung bond. So sinabi ng HR na pirmahan ko nalang "for good faith" daw. D ako pumirma kasi parang unfair na, hndi nila ako binigyan ng info reg sa bond, then all of a sudden, may papapirma silang bond. After two weeks, nagfile nako ng resignation.
Eto ang questions ko:
1. Kelan ba dapat ini-issue ung training bond?
2. Tama ba na hindi ko pirmahan ung bond?
3. Since nagresign ako, may kelangan ba akong bayaran sa training since hindi ako pumirma sa bond na late nilang binigay sa akin?
Hope na masagot agad ung queries ko. Maraming salamat po.