pero nung kinumprunta na yung recruiter sabi nya na hindi naman kasi recruitment ang kanya kundi visa assistance lang.
nagreklamo po kami sa barangay malapit sa bahay ng recruiter pero hindi sya sumisipot nung puntahan namin sya sa bahay nya para tanungin kung bakit di sya nagpapakita sa barangay ang sabi nilang mag asawa sa amin ay di daw sila obligado magpakita sa barangay at kung gusto daw namin, magdemanda na lang kami. wala po kami pangdemanda kasi mahirap lang kami tapos nag end contract pa ang iba kaya di na namin naasikaso, kaya din po siguro sila naghahamon na mag demanda kami kasi alam nila wala kaming pera
ngayon po nagsama sama na naman kami pagkatapos ng halos 4 na taon, gusto na po namin mag ambag ambag para mag demanda pero natatakot din kami na pag pumunta na kami sa piskal ay baka tumakas yung mag asawa. pwede po ba namin sila ipaaresto agad? at tama din po ba ang katwiran nila na wala sila pananagutan kasi visa assistance lang daw sila at hindi recruiter? wala din po kaming mapanghawakang mga resibo pero nasa 10 po kami lahat. salamat po
Last edited by sammy17 on Fri Jul 19, 2013 8:46 am; edited 1 time in total