Meron po akong madrasta. Isa po syang recruiter Agent. Marami pong nagreklamong applicant laban sa kanya. Dahil bukod sa placement fee at medical fee, pagdating nila sa abroad nagugulat nalang sila na meron pang 1 year salary deduction. Madami pong hindi nakaalis at naghahabol sa kanya. mag almost 20 na tao po ang desididong mag file ng kaso. Nag punta sila sa NBI at file ng reklamo nuong last week of march. at ngayon nagulat nalang kami sa balitang nahuli daw ang aking madrasta dito sa manila kaninang umaga at kasalukuyang nasa U.N BJMP sya.
Anu pa po ba ang mabigat na kasong pwedeng isampa sa kanya? Lahat po ng mga aplikanteng napaalis nya ay bakad din magfile ng case pag uwi nila dito sa pinas.
Nakakuha din po kami ng information galing sa POEA na itong agent na ito ay walang lisensya.