Gusto ko lang po sana mag ask ng legal advise regarding sa rights ko sa father ng baby ko. Hindi po kami kasal pero inuwi nya na po ako sa house nila when he knew I was pregnant. He signed the birth certificate of the child and he ackknowledged. Palagi po pinamumukha ng mother ng partner ko na kinakasama lang ako at palaging sinasabi na umalis na ako sa bahay nila. Hindi ko naman po magawa agad kasi wala naman po akong ibang mapupuntahan lalo na may anak pa kami.
Ano po ba ang pwede kong gawin para maensure yung right nung bata sa bahay na tinitirhan namin ngayon?
Kapag naman po sinasabi ko sa partner ko na aalis kami ng baby at bubukod, sinasabi nya palagi na hindi sya magsusustento. Hirap na po kasi ako sa ugali ng mother at kapatid nya. Ano po ang pwede kong gawin?
Another question pa po, considered po ba na kami na ng baby ko ang immediate family ng partner ko kahit hindi kami kasal?
Please po I need your help regarding this matter.