Kailangan po namin ang tulong at karunungan ninyo sa sitwasyon ng aming lupa. Nasa krisis po kmi ngayon at ginigipit. Ito po ang istorya:
1991 nakabili po ang magulang ko ng lupa na rights pa lamang. Sa tax dec. Po ay 12005 ang sukat ng lupa. At wala pa pong tech. Description ang tax dec kundi boundaries pa lamang po ang nakalagay. Dumating po ang panahon na nag pasukat ang magulang ko kasama ng iba pang karatig lupa. Ayon sa itinuro ng pinagbilhan namin at ng kanyang tenant napag alaman na higit pa po sa 12005 sqm. Ang sukat ng lupa na sinasaka at inalagaan nila. Kaya sa approved plan 12731 sqm. Ang lumabas. Sa loob po ng 20 years, binabayaran namin ang tax at pinataniman ng palay ang lupa. Gayundin inaani ang mga bunga ng puno sa aming lupa. Namatay na rin ang aming tenant ngunit nakatanggap cla ng 90000 pesos ayon sa napagkasunduan.
Ng ipa free patent po ng mga magulang ko ang nasabing lupa.. ang inilagay sa titulo ay 12731 sqm (approved plan)
sa halip na 12005 sqm - na nakasaad sa absolute deed of sale.
Ito po ang naging paratang ng kabilang partido. Sinasabi po nila na mali ang proseso ng free patent namin at hindi dapat ibinase sa approved plan ang titulo kundi sa ablosute deed of sale. At ang 721sqm na sumobra sa lupa ay wala daw kaming karapatan. Gayunpaman sa kanilang paratang ndi nila maipakita sa amin na binabayaran nila ang tax dec. Ng unknown na lupa (726 sqm). At hindi rn nila maituro ang boundaries ng kanilang lupa.