Ask lang po ako advise...may agreement po kami sa Barangay ng settlement ng pagbabayad ko sa utang ko amounting to P 160k. plus may interest na 25k. nagkaroon din po kami ng agreement na magbibigay ako ng monthly hulog sa kanya. nakakapagbigay naman po ako basta meron kaso nitong huli wala po talaga ako mabigay. Yong deadline ko po na dapat masettle yong the whole amount is this end of the month. Nagkataon naman po na wala pa din akong work sa ngayon. Ini offer ko na po na sila nalang kumuha ng bahay na binibenta namin (pero d pa po tapos hulugan pero malaki na din po nailabas naming pera dun...ang amin lang sana mabayaran namin sya at masuklian kami kahit konti or kahit wala na nga po ...knowing na more than 500k yong worth na asking namin sa bibili nung property and assumed nila. kaso di daw po sila interested dun sa property. Gusto ko lang po malaman kung sakali at ituloy nya ang kaso....pwede po ba akong mag bail at magkano po ang bayad? Natatakot din po kasi ako lalo at maliliit pa mga anak ko. sinabihan po kasi nya ako na bahala na daw ang korte sa akin. nung dati din po kasi.....sinabihan din nya ako na ipapadyaryo nya ako at ipapahiya. at sisiguraduhin daw po nya na di ako makakapag piyansa dahil may matataas na tao syang kilala. alam naman po nya na di ko sya tinatakbuhan.....mas malaki pa nga po yan dati.....nakalahati ko na nga po pwera sa mga interest na idinagdag nya dati. Help naman po. ano po ba dapat kong gawin lalo at malapit na ang deadline na ibinigay nya na napagkasunduan namin sa barangay. Thanks in advance
Free Legal Advice Philippines