good day po.
itatanung ko lang po kung ito pong kaso ng tatay ko ay may magagawa pa kami.
ganito po, kasi dati po ay mahilig tumambay sa labas ng gate namin at makipag laro sa mga bata.
tapos may isang bata na bigla na lang syang dinuraan sa mukha ng sya ay nakaupo. ang bata po ay 5 years old.
sa kahit na sinong tao naman po, kayo ay duraan sa mukha ng walang dahilan, magagalit kayo, binatukan nya po ang bata.
at ang bata po ay umuwi sa kanila tapos ang ama naman ng bata ay biglang sumugod sa tatay ko at nagkaroon po sila ng away.
kinasuhan po nila ng r.a. 7610 o anti child abuse law ang tatay ko. dahil po sila ay may mga kamag anak na pulis at nagkaroon pa kami ng pagtatalo sa barangay ng isa nyang pamangkin na pulis, balak po kasi na "ipatira" daw ang tatay ko sa loob kung ito ay makukulong, ako po ay nakiusap na pag usapan na lang at wag na ituloy ang demanda.
nagkaroon po kami ng settlement, walang pirmahan. verbal lang at nakapagbigay na din po ako ng pera ngunit dahil po sa mahirap lang kami ay di ko po nabuo kasi ang laki po ng kanilang hinihingi.
ngayun, tumigil na sila dahil wala na din naman silang makukuhang pera sa akin.
tapos kamakailan lang po, ang bahay po namin ay binato at nagalit po ang tatay ko, at ang salarin po ng pagbabato ay isa sa anak na naman nung taong dating nakipag settlement sa amin. this time, ibang anak naman nya.
dahil po ang tatay ko ay medyo matanda na din, may dala po syang tirador upang siguro ay ipang laban sa bumato sa bahay namin, kaso ng labasin nga niya sa gate ay yung bata pala na iyun, na sakto namang nakita daw nung tiyuhin ng bata at nagkaroon na naman ng pagtatalo at gulo sa amin,
nagkaso na naman po sila sa barangay ng r.a. 7610 daw po. ang tatay ko po ay umalis na lang sa aming bahay dahil di pa rin po nila ito tinatantanan. di pa po nila naipakulong.
ngunit ako po ay natatakot na baka dumating ang oras na ito ay umakyat na sa labas ng barangay o mapunta na sa hukuman at tuluyan na makasuhan ang aking tatay. ayaw ko na po makipag settle sa kanila kasi sa tingin ko po ay provoked na nila at sadya na nilang inutusan ang bata upang sa gayun ay makapag demanda na naman sila at makipag settle na naman ako at makapamera na naman sila.
sa nabasa ko po sa batas na r.a. 7610, wala pong kalaban laban ang tatay ko upang ipagtanggol ang kanyang sarili sa korte, dahil ang batas na ito ay walang didinggin sa side ng tatay ko kung bakit nya nagawa na tutukan ng tirador yung bata. hindi naman nya po ito sinaktan, tinakot lamang nya.. ngunit ayun pa rin dyan sa batas na yan, child abuse pa rin daw po ito,
marami na din po akong nakausap maging ang ilang kapulisan na wala silang magawa ukol sa batas na yan kaya nga kapag bata ang gumawa ng isang krimen, minsan di nila ito magalaw, kasi maaaring manglaban ang bata at kanilang masaktan at sila pa ang magkakaso ng child abuse.
may magagawa po ba kami o tuluyan ko ng pagtaguin na lang ang aking tatay?
pasensya na po kayo kung parang illegal ng kaunti ang pagtatanung ko na kung pagtataguin ko na ang tatay ko. pero safety pa rin nya po ang iniisip ko at matanda na po kasi sya at di naman po sya gumawa ng masama kung ito po ay ating titingnan maigi.
salamat po at sana ay mabigyan nyo po ng linaw ang akin tanung