Hi!! good day!! i need help regarding to my salary. I am working in a condominium here in makati. I was hired last May 15, 2010 and received minimum salary (382.00) semi-monthly and complete benefits. Nakacontract po ako for 3months sa kanila. tanong ko lang po ay bakit ako kinakaltasan ng accountant namin ng withholding tax since minimum wage earner palang naman po ako.
As far as i know, wala po dapat kaltas kung minimum wage earner. hindi ko naman po makompronta ang accountant namin dahil masungit at nung wala pa po ako sa kumpanya,isa po sa mga dating employee dito ang nagtanong kung bakit ganon kalaki ang kaltas sa kanya sa tax.ang sagot nya po ay mag-anak pa po ng isa para bumaba ang kaltas sa kanya. sa makatuwid. wala po syang matinong sagot sa daing ng empeyado kaya naman po natatakot po kami magtanong sa kanya.
nagtanong na din po ako sa tax professor ko regarding sa kaltas sa withholding tax. sabi po nya wala po dapat na ikaltas na with holding tax kung minimum wage earner maliban nalang kung tumaas kahit piso ang sahod. Iniisip ko din po na baka tumaas ang sahod ko kaya may kaltas pero bakit ganun po kaaga? mag-antay nalang dw po ako at the end of the year at dapat may makuha akong refund.
Tama po ba ito? ano po dapat ko gawin? May exemption po ba kaya nagkakaltas sa minimum wage earner na katulad ko o batas na pwede magkaltas in advance kung sakali na tumaas nga po ang sahod ko? maramng salamat po. sana matulungan nyo ako.