Meron po kaseng nasuspend sa opisina namin dahil sa Incident Report na isinulat ko. Babae po ang empleyadong nasuspend. Nung isang araw ay inabangan niya ako kasama ng kanyang asawa bago ako pumasok sa opisina namin. Pero pumasok po ako kaagad ng building namin dahil nakakatakot po ang histura nung lalaki (mukang sanggano) at baka bigla nalang akong saksakin.
Nung nasa loob na po ako ng building ay napansin ko na nakasunod yung lalaki, kahit walang identification na ipinakita sa gwardiya at naka pambahay lang habang nagsisigaw. Sa madaling salita po ay nasaktan nya ko physically sa loob ng mismong pinagtratrabahuhan ko.
Ang opisina po namin na isang BPO ay umuupa lamang sa building na iyon. Sa ground floor po ng building ako nasaktan. Ang guwardiya po na nakadestino nung mga oras na iyon ay gwardiya ng building.
Ang gusto ko po sanang malaman ay kung sino po ang hahabulin ko para magkaroon ako ng hustisya. Ang kumpanya po ba na pinagtrarabahuhan ko o ang may ari ng building na inuupahan ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko?
First time ko pa lang po ma-involve sa ganitong klaseng gulo. Gusto ko po magkaroon ng hustisya sapagkat ginawa ko lang naman ang trabaho ko subalit ako pa ang nasaktan. Iniisip ko pong magsampa ng reklamo ngunit hindi ko po alam ang best course to take.
Sana po ay mapayuhan ninyo ako.
Salamat po.