Please help me with my problem. Anyone po na nakakaalam ng gantong case, malaking bagay po maiitulong nyo sa akin. Last year, nakabili kmi ng mga kaibigan ko ng isang negosyo. Ung pangalan lang binayaran namin pero malaking halaga. Isa po itong bar. 5 kami na magkaka-sosyo. Yong 3 nasa abroad.Napag-usapan namin na since ako willing mag-manage at ayaw namin na i-register bilang partnership, pinalipat lang sa pangalan ko ang business name, bilang single propreitorship. Yong business permit at bir ay nakapangalan pa rin sa dating may ari. umuupa lang kmi sa place. Nong una maganda ang takbo. At least break-even. Hinawakan ko ang management sa loob lng 2 buwan, ng walang bayad. Ibig sabihin, hindi ako sinweldohan dahil sa amin naman ang negosyo. pero ng dumating ang asawa ko galing abroad ay tumutol cia sa ganong trabaho na parang graveyard shift. Kaya, ipinasa ko sa isa naming kasosyo na nandito din sa bansa ang pagma-manage. Sa loob ng 11 buwan ay cia ang nagpapatakbo. Pero humina ng humina ang negosyo. Makikita naman sa financial statements ang lahat na talagang mahina na, hanggang sa hindi na kami nakakabayad ng utility bills at ng renta sa place. Napagpasyahan na isara na ang negosyo. Wala na kaming magagawa kaya talo kaming lahat.
Kanina nakatanggap ako ng tawag na, yong tatlong kasosyo namin ay nag-decide na kasuhan ako. Payag sila na isara na ang bar pero kakasuhan ako. Hindi ko po alam kung anong kaso. Pero ang tanong ko po, maari po ba akong maaresto? Anong kaso po ang ifa-file against me since wala naman akong kinuhang pera? Ang pera ko lang pong nahawakan galing sa kanila ay yong share nila na ibinayad namin sa dating may-ari ng negosyo. Wala po akong hawak na kahit anong dokumento dahil ipinasa ko na nga po. Ano po ang pwede kong gawin para maprotektahan ang sarili ko? Takot po ako sa gantong mga usapin, kaya humihingi po ako ng advice. Iinterogate daw po ako ng NBI anytime, pero wala po akong hawak na kahit anong ipe-presenta. Maraming salamat po. Sana po makatanggap ako ng kasagutan asap.