Hi! Gusto ko lang po sana magtanong kung ano po ba dapat kong gawin kase sobrang nahihirapan po ako. Kasal mo ako sa American citizen nung 2011 pero hindi pa po ako nakakapunta sa US dahil nasa afghanistan sya nagtatrabaho. Ilang buwan na po kami hindi nag uusap ng maganda at hindi na nya ko sinusuportahan hanggang sa mabuksan ko yung account nya kahapon at don ko nalaman lahat na hindi pala sya tumigil mambabae at ang masakit pa nabasa ko na naghahire sya ng babae sa mga website para bayaran, bigla po ako nandiri at hindi ko pa po pala sya ganon kakilala. Ano po ba karapatan ko bilang asawa nya kung dito lang kami kasal? Gusto ko po magfile annulment kaso wala po ako pera at sabi ko sa knya baka pwede sya na lang pero ayaw po nya, siguro po dahil sa gastos o dahil wala syang pakialam dahil single parin sya sa US. pwede ko po ba din sya idemanda? Sana po matulungan nyo ko... Salamat po!!!
Free Legal Advice Philippines