Magandang araw.
  
May nangyari po kasing gulo dito sa aming lugar.
Ako po ay binata, edad 26, meroong negosyo, isang Computer shop.
Ang oras ay humigit-kumulang 8:30pm - 9pm.
Nagkaroon po ng komosyon ang isa kong customer(biktima, lalaki, edad 28) at isa naming kapitbahay (suspek, babae, edad 35+). Sa umpisa ay naglalaro ang biktima, sinugod kami ng suspek sa loob at nagkaroon sila ng komprontasyon, nagkasagutan,hanggang sa nakapagsalita na sila ng di magagandang bagay sa isa't isa.
Sa init ng ulo ng suspek ay dinampot nito ang aming basurahan na yari sa lata at siyang hinampas sa braso ng biktima. Lumaban ngayon ang biktima at nasuntok niya ang suspek sa braso din.
Matapos nito ay saglit na umalis ang suspek. Maya maya pa ay bumalik ang suspek at may dala na itong gulok, (isang klase ng pantabas ng damo). Sinugod niya ang biktima at kanya itong pinagtataga. Mabuti na lamang at nakuha agad ng biktima ang kanyang upuan at kanyang ipinangsangga/salag.
Ilang beses na pinagtataga ng suspek ang biktima kung kaya ay nasira ang aking upuan. tinamaan din ang aking lamesa. Pinagtataga niya ang biktima, napaatras ng napaatras ang biktima hanggang sa sila ay umabot sa loob ng kusina ng aking shop.
Sa takot ko ay di ko nagawang awatin ang dalawa. Ang iba kong customer ay nagsitakbuhan palabas.
Ang aking pinsang babae at tiyahin ay kasalukuyang kumakain noon sa aming kusina at di rin agad agad na nakalabas noong ang biktima at suspek ay inabot na sa loob ng kusina.
Nakalabas lamang sila sa kusina nang may dumating na kapitbahay(lalaki) sinubukang awatin ang dalawa ngunit di niya ito nagawa sa unang pagkakataon sa kadahilanang, kahit babae ang suspek, ay may kalakihan ito, mataas at maganda ang pangangatawan.
Naawat lamang nung nabitawan ng suspek ang gulok. Nakapagsalita pa ang suspek na babarilin niya ang biktima habang siya ay inaawat.Pinalabas ang suspek at pinaiwan namin ang biktima sa loob ng aking shop upang mapaghiwalay ang dalawa at mapahupa ang tensyon. Subalit ang suspek ay galit na galit pa rin at talagang inaabangan sa may labas ang biktima, sa tapat ng bahay ng suspek. Pinahintay namin ng ilang saglit at saka namin pinauwi ang biktima. Pinadaan na
lamang namin siya sa gilid ng bakuran namin para hindi siya makita ng suspek at maiwasan na rin ang anumang gulo.
Dinala ng biktima ang pangyayari sa brgy. Kasama ang kanyang magulang, nagbigay siya ng statement at naghain ng reklamo. Ako rin ay nagpunta sa brgy. at ganun din ang aking ginawa.
Hindi ito agad-agad na naaksyunan ng brgy. nung gabing iyon at ang sabi sa amin
ay wala daw ang "chief" nila.
Inabot ng bukas at ngkaroon ng paghaharap sa brgy. Ang reklamo ng biktima ay "attempted murder with physical injury" at "grave threat".
Ang reklamo ko naman ay "tresspassing and damage to property".
Nagkaroon ng paguusap. Hindi na ako nagpabayad sa mga nasirang upuan. at kung tutuusin ay minor damage lamang. Isa pa, ang suspek ay di na rin iba sa amin. sila ay malayo na rin naming kamag-anak.
Nagbigay lamang ako ng ilang kondisyon upang ako ay magpa-areglo; (1) alisin ng suspek ang anumang gamit nila sa loob ng aming bakuran.(halaman, sampayan, washing machine, etc). (2) hindi na siya maaring maglabas pasok sa aming bakuran.
Sumangayon naman ang suspek at kanyang pinirmahan ang kasunduan.
Ang biktima naman ay hindi nagpa-areglo. Di niya matanggap ang simpleng sorry at paumanhin ng suspek. Ganun din ang dahilan ng suspek sa kanya na;
(1)Ang suspek daw ay nasuntok ng biktima kaya siya kumuha ng gulok.
(2)Ang suspek daw, kaya umabot sa pagtataga, ay ipinagtanggol lamang niya ang kanyang sarili, self-defense ika nga.
(3)Ang suspek daw ay babae, ang biktima ay lalaki, dapat daw iginalang siya ng biktima at hindi nilabanan.
Ito na po ngaun ang mga concern at katanungan ko;
(1)Kung iaakyat po ng biktima ang kaso sa taas, malakas po ba ang kaso nila?
(2)Nasa katwiran po ba ang mga dahilan ng suspek?
(3)Ako po ba ay maaring mag witness para sa biktima, gayong inurong ko na naman ang
aking reklamo at kami ay nagkaayos na ng suspek sa brgy. dun sa kaso ko laban sa kanya?
(4)Maari din bang maging witness ang ibang customer ko gayun din ang pinsan at tita ko? baka kasi sabihin na pinagtutulungan namin ang suspek at magkakamaganak kami na tetestigo.
(5)Maari bang mag-witness ang pamilya ng suspek kung gayong wala naman sila dun sa pangyayari at pinangyarihan?
(4)Ang nagsasampa po ba ng reklamo ay maaring kumuha ng PAO? or private attorney lamang?
(5)May bayad po ba ang PAO?
(6)Sinabihan kami ng kabilang kampo na pag tinuloy ang demanda laban sa kanila ay
magkontra demanda sila at kami ang magiging dehado.
(7)Mayayaman at maimpluwensiya ang kamaganak ng suspek. totoo po bang pagdating sa
korte ay "pera pera" na lamang ang labanan?
(8)Ano pa po ba ang mga legal na hakbang na maari naming gawin?
Maraming salamat po.