Gusto ko po sanang malaman kung legal ba ang pagbibigay ng 6 days suspension dahilan sa palaging late?
Ganito po kasi yon, 5 years almost napo akong nagtatrabaho dito sa companya namin (hired 2008) last 2010 lang ako my increase sa sahod ko until now wala na, pero mga kasamahan ko inincreasan ang sahod nila, noon wlang pong problema sa HR namin kapag ganitong issue na kapag malalate ka, kasi kinoconsider po nila yon dahil puede kapong mag-offset lang equivalent of 9hrs a day. But nong napalitan na nang bagong HR, iniba nya napo ang lahat although my agreement kaya sumang-ayon kami. Last 2011 po nasuspende po ako ng 3 days due to successive tardiness, my mga reason po iyon at ang akala ko po ay e-coconsider nya. verbal lang po lahat ng mga warnings at nagkalaunan pinapirma po ako ng 3 days suspension..hindi na ako nag complain kasi un daw ang nararapat kaysa namn daw e-terminate nila ako. Until this year (2013) isang taon ang nakalipas naulit na namn po ang tardiness ko kasi kaka lipat lang namin nang tirahan at napakalayo ko na po from work kaya di maiwasan talga na malalate ako, but everytime po malalate ako nag papa-alam po ako or nagfifile ako ng Tardiness Slip with enough reasons I've got 6 times tardiness in a month at kinausap ako ng Hr namin na sususpendihin na namn po daw ako sa mga lates ko ng 6 days suspension.. tama po ba ang ganon? di ba puedeng refreshed sanction yong pagka suspende ko last-last year and she said after this 6 days suspension pag nalate na namn ako ulit another 15 days of suspension and last termination nadaw. Ganito ba ang laws pag malate ka?deretsahan?walang back 1st offence 2nd etc? ganito ba ka grabe ang pinalties kapag malalate ka, di ba pweding back to zero kumbaga every year ang observation ng performance mo?
anyway :
Gusto ko nalng sana umalis nlng or eterminate nalng nila ako kasi parang ginigipit nila ako sa konting pagkakamali ko,nag wowory po ako baka wala akong makuhang bayad on my lenght of service sa kompanyang ito. Ano po bang dapat kong gawin? May haka-haka po kasi na gusto na nila akong umalis kaya ginigipit nila ako para mag resign nalng.Ayaw ko rin mag resign kasi wla daw akong makukuhang separation fee pag ganon. Ayaw ko sanang pumerma ng 6 days of suspension kasi prang sobra namn po yata yon..tama po ba?
Pls pakiliwanag namn po nag isipan ko.. gusto ko kapag huminto ako nag pagtatrabaho dito may makukuha po ako kasi hirap na kasing maghanap ng work at my edad napo ako. Maraming salamat po. God bless po sa inyo.