SAmakatwid, may utang na 40k ang kumare ko at 50K ang friend nya. Wala naman ako nakitang motor para sa water station. Yun van naman.. dinala daw sa province kasi dun naman talaga ang nakuha nila linya.
Unfortunately, nagkamalas malas daw sila, kesyo laging nagkakasakit ang anak, namatayan, trinangkaso.. hinika etc. kaya nakiusap na huwag ko muna ipasok yun mga cheke.. mag-abot na lang daw muna sila ng interest. Nakapagbigay naman sila sa akin ng interest for like one month.. tapos wala for two months then interest ulit after one month tapos wala na naman. inintindi ko naman sila.
At the same time, hiniram nung kumare ko yun atm ng husband nya kasi dumating since seaman yun. Hindi nya naman ako nabayaran kasi inuna daw ng husband nya yun bahay. At ang atm ay pinalitan nya ng ibang card kasi nagpalit daw ng agency itong si husband.
After sometime, iniiwasan na nila ako.. minsan hindi na sinasagot ang tawag ko. So, ipinasok ko na ang mga cheke kasi baka ma-stale check na. It turned out, closed account na pala. At nalaman ko din na yun atm ng kumare ko ay nakasanla sa iba at ang atm na nasa akin ay savings account lang.
KAnina, siningil ko ulit yun kaibigan nya.. as usual nagdadahilan na naman. Ang sabi pa nun mapag-usapan namin yun talbog na cheke na. wala daw cyang talbog na cheke kasi closed account yun. NAsabi nya na daw sa akin na closed account yun eh wala naman ako maalala. Besides, ang sinasabi nya sakin na closed account ay yung ibang cheke nya at hindi iyon. Otherwise, kung alam ko, dapat sinabihan ko sya mag-issue ng panibago check.
Ano ba ang puede ko gawin sa mga ito? Sila na ang may utang.. sila pa ang matapang..
Help me.. ano ba ang step by step na puede ko gawin sa kanila para gawan nila ng paraan na mabayaran ako