i just need some advice kung anong pwedeng legal action ang gawin against sa parents ng ex-wife ng partner ko. They got separated nung 1y/o pa lang yung bata,pero kahit nagkahiwalay sila di naman sya tumigil sa pagbibigay ng suporta sa bata until now, yung ex-wife nya ay walang work that time at walang ginawa kundi magliwaliw, mag-inom at mag bf, at naiiwan lang yung bata sa magulang nya,ang sabi nya yun daw ay dahil sa di nya matanggap ang separation nila, na kita naman ng iba na hindi totoo kase before pa sila maghiwalay eh gawain n nya yun, everytime na hinihiram nya ung bata di pumapayag yung ex-wife nya dahil na rin sa utos ng magulang nung girl, until nalaman namin na nag abroad yung ex-wife nya at dun nakiusap ang partner ko na baka naman pwede na sa kanya muna ang bata kahit weekends dahil napapabayaan at laging may sakit, as usual kumonsulta muna ung girl sa parents nya, after long discussions napapayag din pero tuwing maghapon ng sunday lang, yun ang naging set-up with some exceptions pag tinotopak yung nanay nung girl at ayaw ipasama yung bata with lame excuses. Last month nahospital yung bata dahil sa acute UTI at tonsillitis, the case is she was diagnosed na before na may UTI at napabayaan nga, at ang madalas na pinapakain pala sa bata ay kanin na may toyo and until now nagdadiaper pa rin pala kase umiihi daw sa kama (4y/o na sya ngaun). She was hospitalized for a week at inabot ng 20k ang bill, nacover ng Philhealth ng partner ko most of it pero still they are expecting him to give cash, kahit sinabi na nung ex-wife nya na ok na kase nakapagpadala na sya for the bill, when he failed to give cash kase we're suspecting na ibubulsa lang nila yon nagalit yung nanay nung ex-wife nya and ever since lumabas sa hospital yung anak nya hindi na ito ipinahiram sa kanya, maraming dahilan until 3 sundays ago nagulat sya dahil yung anak na nya mismo ang nagsabi na ayaw sumama sa kanya kase magagalit daw ang dr. at tuturukan sya ulit, even her playmate told my partner na narinig daw nya na binilinan yung anak nya nung lola na wag sasama sa papa nya kase magagalit ang dr. malinaw na binebrainwash na yung bata. So we informed his ex-wife about it, inamin naman nya na posibleng sinasabi nga yun ng kanyang ina pero wala daw sya magawa kase nasa malayo sya,and her mother denies na pinagbabawalan nya yung bata na sumama sa papa nya, until now hindi nila ipahiram ang bata ano po ang pwede namin gawin? gusto sana namin na maging final and legal yung arrangement para di na makaangal yung in-laws nya tuwing hihiramin nya yung bata, ayaw kasi makipag-usap nung in-laws nya, pero di po ba mas may karapatan sya sa anak nya kesa sa mga yun?
may kopya po kami ng usapan nila about her consent na pwede nya mahiram yung bata, even yung sinabi nya na sinabihan nya yung nanay nya na ipahiram lang ng ipahiram yung bata. She's in jeddah at feb.2014 end ng contract nya.
pasensya na po kung mahaba gusto ko lang maedyo detalyado. Thanks po and i'm hoping for a reply. God bless.