Yung kapatid ko lalaki is 4th year college student, nagkaanak siya sa girlfriend nya nung 2nd year sya ok naman sila nung nalaman namin dito na sa amin tumira ang girl hanggang mkapanganak. Subalit ng kaaron sila ng problema ng kapatid ko , hanggang sa nagkahiwalay sila pero, minsan nahihiram namin ang bata at pa minsan ay nagbibigay kame ng panggatas at kapag humihingi ang babae ng kailangan ng bata. Isang araw ay humingi nanaman ang babae ng pera para raw sa pang gatas ng bata ngunit wala kaming maibgay sa kadahilan na wala pa kaming pera.hanggang parang na galit ang babae sa aming pamilya at ngpost ng kung anu anu sa facebook ng masasama regard sa family namin, hanggang sa ngaaway sila ng kapatid ko,dahil bakit pa daw ngpopost sa facebook samantalang nagbibigay namin kami kung may pera kame, hindi daw un tinatawag na sustento dahil dpat daw eto ay buwan buwan,samantalang kada hingi or hiram naman namin sa bata ay may pera kame binibgay at groceries, nagkataon lng na nung humingi siya hindi namin nabigyan. At nagalit na siya sa amin at sinabihan nya ang kapatid ko na hinding hindi na makikita ang bata. Nung nalaman namin hindi po sya nakatira sa family nya at meron syang kinakasama sinabihan nya pa ang kapatid ko na hindi nman daw siya ang kinikilala na ama ng pamangkin ko dahil ang kinakasama nya ang kilalang ama, sa pangalan lng daw ang kapatid ko. Naawa kami sa bata dahil wala naman din trabaho ang babae at kung saan saan sinasama ng babae. Hindi po sila kasal ng kapatid ko. At ang bata ay 3 taon na. At ngayon ay ngaaral pa po ang kapatid ko. Anu po kaya ang pwede namin gawin para po minsan ay mahiram namin ang bata? May kasalanan po b ang kapatid ko? May pwede po b kame ifile na case sa babae? Thank you so much po. Sana po ay matulungan niyo kame. Godbless
Last edited by Khaly on Thu Jun 30, 2016 10:39 am; edited 1 time in total (Reason for editing : Wrong spelling)