Hello po...noong 2009 bumili po kami ng agricultural land,nag pagawa po kami ng kasunduan sa BARC,sa panahong yon buhay pa yong asawa ng may ari ng nasabing lupa.Ngayong 2013 ngayon ko lang po na isipang mag pagawa ng deed of extrajudicial partition with simultaneous sale .Ayaw pong pumirma yong isang anak nila,anim po ang anak nila kasi nag pa dag dag daw? Maari po ba yon?Samantalang na close deal na namin yon sa buhay pa ang kanilang ina at ang pangalan po ng kanilang ina ay nakalagay din po sa titulo ng nasabing lupa.Nasa amin na po ang titulo and deklarasyon,gusto ko lang pong ma transfer sa name namin ang nasabing lupa.
Ano po ang maipapayo ninyo,may karapatan papo bang mag demand ng dagdag yong anak? Kong sakali pong hindi pipirma yong isa sa mga anak nila ,hindi po ba matutuloy ang pag transfer ng name ng titulo? Panganay po yong ayaw,pero noong binili namin ang lupa kaharap po silang magkakapatid ,pero hindi na sila nakaperma sa kasunduan sa BARC kasi buhay pa sa panahong yon ang ina nila.
Tulungan po ninyo ako,ayaw ko pong masira ang relasyon naming mag pipinsan dahil sa perma /