Mayroon akong 4 na anak out of wedlock. Sa akin lumaki ang mga anak ko 10, 8, 6 and 2 noong magkasama pa kami ng nanay nila, apelyido ko lahat ng ginagamit ng mga bata.
noong january 2012 nag away kami ng live in partner ko dahil sa salapi dahil ang hilig nyang kumuha ng 5-6 sa bumbay at nababaon kami eh sapat naman ang kinikita ko yun pala ang hilig nyang mamili ng mga bagay na di kailangan at pinapaaaral nya ang 3 kapatid nya sa probinsya ng di ko alam.
after namin mag away, nag alsa balutan sya at umuwi sa bahay ng magulang nya sa probinsya. sumunod ako sa probinsya noong march 2012 para pauwiin na sila pero magulang lang ng partner ko ang humarap sa akin at pinaalis ako at pinagbantaan na wag nang babalik at kalimutan ko na daw ang partner at mga anak ko. nagalit din ako dahil ayaw ipakita sa akin ang mga anak ko miss na miss ko na. sabi ko kung ayaw nyo ipakita ang mga bata, di ako magbibigay ng sustento.
noong december 2013 nakatanggap ako ng demanda mula sa fiscal ng violation against women and children r.a.9262 di daw ako nagsusustento. nag bigay na ako ng reply at kinatwiran ko na ayaw nila ipakita sa akin mga bata at ayaw nila akong padalawin sa bahay nila. tapos manghihingi sila ng pera. nilagay ko din na willing ako magsustento pero dapat ipakita at ipadalaw nila sa akin ang mga bata. pero bago pa nakapag hain ng reply ang partner ko, sa kasamaang palad last feb. 2013 nabangga ng truck ng mais ang sinasakyan na tricycle ng partner ko at ng pinsan nya. nasawi silang dalawa.
noong dumalaw ako sa burol, hindi pa din ako pinatuloy at di pinakita sa akin ang 4 kong anak. magkakamatayan daw di ko makukuha ang mga bata.
gusto ko nang kunin ang mga anak ko, sa akin sila lahat nakapangalan, patay na ang mama nila.
kailangan ko pa bang magdemanda o tatawag na lang ako ng pulis at sasabihin kong kidnapping/hostage ang ginagawa nila?
salamat po