Attorney, sinampahan ang uncle ko ng kaso ng isang kabarrio nya ng violence against women and children, ang nangyari po kase eh, yung tatay at tito ng bata eh nang gulo at nag tangkang suntukin yung uncle ko, nakita ito ng mga kamag anakan at sila ang pinag tulungan, ngayon nakita ito ng anak ng isa sa nanggulo, yung anak po ay isang batang babae, yumakap po ito sa kanyang tatay at pinipigil, sinusubukan nya pong umawat pero hindi nya kaya, sa side naman po ng uncle ko eh naawat at naipasok na sila pero sa hindi sinasadyang pag kakataon meron pong tumama sa anak ng isa sa mga nang gulo, at nawalan po ng malay ang bata. sigurado po ang mga uncle ko na hindi po nila kilala ang nakatama sa bata at iniisip na kasamahan po yun ng nang gulo, ang problema po nag sampa na ng kaso violence against women and children at ngayon po pinag bibintangan ang uncle ko na sya ang nakatama. una po pinatawag sila sa barangay at hindi po sila nag kita. pangalawang pag tawag sa kanila kabilang panig naman po ang di sumipot. tinangka na din pong kausapin ang ina ng bata pero nag matigas po at ayaw pong mag patulong. ngayon po pinadalhan na sila ng subpoena, ano po kaya ang dapat nilang gawin sa mga sitwasyos na ito?
Maraming salamat po.
Maraming salamat po.