Palagay ko ung extrajudicial settlement agreement with absolute sale ay sapat na para duon sa buyer upang bayaran ung capital gains tax (agreement ba ninyo na siya ang babayad ng 6% capital gains tax at 1.5% documentary stamp tax? kasi ang seller ang dapat nagbabayad pero depende sa negotiation ninyo during the sale transaction). Kakailanganin ninyo ung original ng SPA at dapat sa inyo ung kopya. Hindi naman kailangan ng BIR o Register of Deeds ung SPA, kundi ang abogado siyang may kailangan nun. Nagbayad ba kayo ng Estate Tax? Nagbigay ba kayo ng notice of death ng father mo sa BIR? Hay, naku, meron multa pagwala! Have u published your extra judicial settlement agreement in a newspaper? Register of Deeds needs that Affidavit of Publication at CAR from BIR bago mapatitulo sa buyer ung binili niya. Pati kayo kailangan din ninyo ang mga ito sa pagpapatitulo sa inyong mga pangalan ung iba pang lote. I AM NOT A LAWYER, I AM JUST SHARING TO YOU WHAT I EXPERIENCED...my mother died 1997 and my father died 2010... sa dami ng dapat gawin ay hindi namin nabebenta ung properties. Ask ko lang, ung extrajudicial settlement ba ninyo ay base sa Rule 74,Sec 4 of The Rules of Court? If yes, kami rin pero hindi namin ma-liquidate ang mga liabilities dahil kulang kami sa funds, at hangga't lahat ng dapat bayaran ay mabayaran, hindi kami bibigyan ng BIR ng CAR.